Draft ng Executive Order kaugnay sa pagkakaroon ng maayos na palikuran sa bawat tahanan sa buong lalawigan ng Camarines Norte inihahanda na

CAMARINES NORTE- Inihahanda na ang draft ng Executive Order kaugnay sa kampanya ng gobyerno sa Zero Open Defecation o ang pagkakaroon ng maayos na palikuran ng bawat tahanan sa buong lalawigan ng Camarines Norte.

Ang draft ng EO ay nasa opisina pa ngayon ng Sanitary Inspector ng Provincial Health Office na ipapa- approve sa tanggapan ni Governor Ricarte “Dong” Padilla.

Dati nang kampanya ng Department of Health ang pagkakaroon ng basic toilet facilities sa kada tahanan.

Sa isang artikulo na inilathala ng ahensiya noong November 2017 gamit ang datos ang mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) mas marami umano sa mga tahanan sa bansa ang mayroong sari- sariling cellphone pero walang maayos na palikuran.

Ayon sa World Health Organization (WHO) at United Nations Children’s Fund (UNICEF), tinatayang nasa pitong milyon Filipino ang walang palikuran o kung saan- saan lang dumudumi na karamihan ay sa mga rural area.

Noong 2020 naman ay iniulat ng Department of Health na mahigit tatlong milyong Pilipino ang walang maayos na palikuran.

Kaya naman puspusan ang kampanya ng ahensiya para i- promote angZero Open Defecation.

Ang bayan ng Basud ay mayroon ngayong nakabinbing ordinansa ukol dito na nakatakdang isalang sa public hearing ngayong buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *