Drag performer na si Pura Luka Vega, inaresto sa kanyang tahanan

Inaresto ng mga operatiba ng Manila Police District ang kontrobersynal na drag performer na si Pura Luka Vega sa kanyang tahanan sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinumpirma ni MPD spokesperson Maj. Philipp Ines na kasalukuyang nakakulong sa Santa Cruz Police Station ang drag performer, na ang tunay na pangalan ay Amadeus Fernando Pagante.

Ayon sa ulat ng MPD, isang warrant of arrest ang inilabas ng Regional Trial Court Branch 36 Manila para sa paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code at Cybercrime Prevention Act of 2012, na may inirekomendang piyansa na ₱72,000.

Maalalang una nang idinemanda ng religous group na Philippines for Jesus Movement si Vega para sa kanyang rock rendition ng “Ama Namin,” o the Lord’s Prayer, na tinuligsa ng karamihan bilang “blasphemous.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *