Drayber ng motorsiklo, patay matapos bumangga sa barrier, angkas nito nabalian

Patay ang drayber ng motorsiklo matapos sumemplang bandang alas-diyes kwarenta gabi ng Biyernes, ika-10 ng Enero 2023.

Kinilala ang nasawi na si Javier Araden Balahim.

Sa imbestigasyon ng Quezon PNP, ang mga biktima ay pinaniniwalaang nakainom ng alak at pauwi na sa  Brgy. Alfonso XIII mula sa Brgy. Tabon.

Pagdating nila sa kurbada sa Sitio Labangan ay nag-overshoot ang kanilang motorsiklo bago bumangga sa barrier.

Sa lakas ng pagbangga ay agad nasawi si Javier habang nabalian sa kanang binti ang backride na si Jepar Cayag Manlidap.

Dinala ang mga biktima sa Quezon Medicare Hospital ang mga biktima kung saan idineklarang Dead on Arrival si Javier.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *