Drayber ng nanagasa sa security guard sa Mandaluyong, dumalo na sa ikalawang pagdinig ng kaso nito

Ngayong araw ay isinagawa na ang ikalawang bahagi ng preliminary investigation ng viral na hit-and-run incident sa Mandaluyong.

Sa kauna-unahang pagkakataon naman, dumalo na rin sa pagdinig ng Mandaluyong Prosecutor’s Office ang may-ari ng SUV na si Jose Antonio Sanvicente.

Required na kasi itong pisikal na pumunta sa piskalya sapagkat kailangan nitong sumpaan ang kanyang counter-affidavit sa mga inihaing reklamo na frustrated murder at abandoment of one’s victim.

Kasama rin ni Sanvicente ang kanyang abugado na si Atty. Danny Macalino.

Kauna-unahan namang dumating si Atty. Federico Biolena, abugado ng biktimang security guard na si Christian Floralde.

Ayon kay Biolena, hindi na muna makadadalo si Floralde dahil masama ang pakiramdam nito.

Iniinda pa rin aniya ng biktima ang pisikal na injury nito at ang epekto ng insidente sa kanya.

Sa paghara ng abugado sa media, muli nitong iginiit na hindi sila magppa-agreglo at desidido si Floralde na ituloy ang kaso.

Hindi rin umano nito alam ang ipinangakong financial assistance ng kampo ni Sanvicente sa biktima.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.