NAGA CITY-Palakasin pa ang earthquake drills at inspection sa mga gusali’t paaralan sa Naga City; ito ang panawagan ng Committee on Peace and Order, Public Safety and Disaster Management ng Sanguniang Panlungsod.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Coun. Melvin Omar Buenafe ng nasabing komitiba sinabi nitong mayroon nang memoramdum of agreement ang lokal na pamahalaan ng Naga at ang ilang mga unibersidad ukol sa pagpapalakas ng training sa mga personahe ng paaralan at estudyante upang alam ang nararapat na gagawin tuwing may lindol at iba pang sakuna.
Matapos ang 6.0 Magnitude na lindol sa Masbate sinabi ng konsehal hindi dapat i-asa lahat sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), City Engineering Office at iba pang katuwang na opisina ang inspeksyon at monitoring dahil hindi aniya lahat kayang puntahan.
Ang mga apartment owners, building owners , mga namumuno sa paaralan pati mga residente ay dapat nagkakaroon ng inspeksyon sa lagay. Ilang beses na rin kasi ang lindol sa lalawigan ngayong 2023 kaya nararapat na matinggan din ang kondisyon ng bawat tahanan.