Drilon umalma sa ‘stupid’ remark ni Parlade

Inalmahan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pahayag ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. kung saan ay sinabi nito na estupido ang mga senador na nagbanta na tatanggalan nito ng budget ang NTF-ECLAC dahil sa red-tagging.

Sinabi ni Drilon na kawalan ito ng respeto sa mga senador na nagpasa sa pondo ng NTF-ELCAC.

Anya, simula pa lang ay kabilang na siya sa mga senador na tumutol na mabigyan ng pondo ang anti-insurgency task force.

Ipinunto ni Drilon na kinwestyon niya ito sa Senado pa lang, nagrekomenda ng safeguards, at natanggap ngunit sa bicameral conference anya ay posibleng ni-lobby ito ng Palasyo para maisulat ito sa porma na meron ito ngayon.

Mababatid na binabalak ngayon ng ilang senador na gawing pang-ayuda ang P19-billion na pondo ng NTF-ELCAC sa gitna ng mga nagsusulputang community pantries sa bansa kung saan ay makikita ang dami ng mga tao na nangangailangan ng tulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *