Driver, arestado sa drug buy-bust operation sa bayan ng Camalig, Albay

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang driver sa ikinasang drug buy-bust operation sa Purok 3, Brgy. Salugan, Camalig, Albay.

Kinilala ang suspek na si Marty Nace Nograles, 39 anyos at residente ng Purok 5, Brgy. Quirangay ng nasabing bayan.

Ayon sa report, nahuli ito nang magsagawa ng operasyon laban sa iligal na droga ang mga opertiba sa lugar, kung saan kumagat ito sa pain matapos pagbentahan ng isang small heat-sealed transparent plastic sachet na pinaniniwalaang shabu na nagkakahalagang PHP 3,000 ang isang poseur buyer.

Narekober sa kanya ang nasabing item at perang ginamit bilang buy-bust money na nagkakahalagang PHP 1,000.

Sa ngayon, ang suspek ay nasa kostudiya na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *