CAMARINES SUR- Patay ang isang 32 taong gulang na driver sa Iriga City matapos sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang poste ng street light dahilan nang pagkakahulog nito sa kanal.
Kinilala ang biktima na si Raymart Jan Oliver, residente ng Carnation Street, Barangay San Juan, nasabing ciudad. Ayon sa ulat, bandang ala una ng umaga kanina, November 14, taong kasalukuyan, nang mangyari ang aksidente sa madulas na bahagi ng kahabaan ng Guevara Street, Barangay San Roque habang pauwi ang biktima.
Itinakbo pa sa hospital ang biktima pero ideneklara na itong wala ng buhay, bandang alas dos ng umaga.
Samantala, nagpaalala naman ang mga awtoridad sa mga motorista na magdoble-ingat sa pagmamaneho lalo na kapag maulan.