Driver niligaw umano ng GPS, sasakyan na-stuck sa golf course

“Your eyes won’t lie to you”. Kung sa tingin mo ay papunta ka na sa kawalan, dapat ka nang huminto at mag-ibang daan.” Ito ang payo ni Newton Police Lt. Bruce Apotheker sa mga driver na gumagamit ng GPS apps.

Ito ay matapos ma-stuck malapit sa sixth hle ng golf course ang gulong ng isang SUV sa Massachusetts matapos umano itong iligaw ng ginagamit na GPS app.

Sa salaysay ng hindi na pinangalanang driver sa mga pulis, inihatid niya ang ilang kaibigan alas 2:00 ng madaling araw at habang sinusundan niya ang kanyang Waze GPS ay dinala siya nito sa golf course.

Dahil sa sobrang dilim ay hindi umano nito nakita ang daan habang nagmamaniobra dahilan para bumaon at ma-stuck doon ang gulong ng sasakyan.

Sa imbestigasyon, hindi naman nakainom ang driver at wala itong kakaharaping anumang pananagutan. Wala ring nakitang pinsala sa golf course at sa sasakyan ng lalaki.### || Shiela Madrigalejos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *