Driver, patay sa pamamaril sa Tupi, SoCot

KORONADAL CITY — DEAD on the spot ang isang driver matapos itong binaril ng riding-in-tandem bandang alas-7:45 kagabi sa Barangay Road, Purok 10, Barangay Poblacion, Tupi, South Cotabato.

Kinilala ng Tupi PNP ang biktima na si Junie Neones, 39-anyos, single, driver at residente ng lugar.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, naka-upo lamang ang biktima sa nasabing barangay road nang binaril ito sa ulo ng mga hindi nakilalang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo.

Agad namang tumakas ang mga salarin matapos nagawa ang krimen.

Agad na binawian ng buhay ang biktima at nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang isang basyo ng bala ng kalibre 45.

Sa ngayon, nasa punerarya na ang bangkay ng biktima at nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa nasabing insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *