Local News

Driving instructor, minolestya umano ang dalagang kliyente sa Batangas City

BATANGAS CITY – Sinampahan ng kaso ang isang driving instructor matapos umanong molestiyahin ang kanyang kliyenteng estudyante sa loob ng sasakyan sa Bypass Road, Tingga Itaas, Batangas City.

Kinilala ng Batangas City Police Station ang suspek na si Gregorio A. Guno, 51-anyos, driving instructor at residente ng Barangay Alangilan ng naturang lungsod na pinaghahanap ng mga awtoridad sa ngayon.

Ayon sa imbestigador na si PSMS Sierra Lee Ronquillo, kasong Acts of Lasciviousness ang kanilang isinampa laban sa suspek sa Batangas City Prosecutor’s Office noong Hunyo 7, 2021.

Sa impormasyon mula kay PEMS Nena Garcia, chief ng Women and Children Desk ng Batangas CPS, nagsumbong ang biktimang 21-anyos sa kanyang mga magulang na minolestiya umano siya ng kanyang driving instructor.

Base sa salaysay ng biktima, noong June 1, 2021, bandang alas-9:00 ng umaga habang isinasagawa nito ang kanyang practical driving lesson sa bahagi ng Bypass Road sa Tingga Itaas sa Batangas City ay sinabi ng suspek na tumigil muna sila saglit sa pagda-drive upang magpahinga.

Habang nagpapahinga sa loob ng sasakyan ay sinabi ng suspek sa biktima na isa siyang reflexologist at mamasahehin daw umano nito ang mga kamay at likod ng dalaga.

Unang hinawakan ng suspek ang kamay ng dalaga at bigla na lamang umanong ipinasok nito ang kanyang kamay sa loob ng T-shirt at bra ng biktima.

Doon na umano hinawakan ng suspek ang dibdib ng biktima.

Samantala, napag-alaman sa mga awtoridad na tumanggi ang hindi pinangalanang driving school na magbigay ng kopya ng kuha ng CCTV na nakalagay sa loob ng sasakyan.

Sa naturang CCTV footages umano ay makikita ang mga pangyayari sa loob ng kotse na magpapatunay sa reklamo ng biktima laban sa suspek.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa naturang pangyayari.

BNFM Batangas

Recent Posts

Sandy Cays na bahagi ng Pag-asa island sa WPS, nasa ‘degraded state’ na

Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…

18 hours ago

RTWPB – inumpisahan na ang pagre-review sa mga sahod

Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…

18 hours ago

Championship games sa Palarong Bicol 2024 – nauwi sa rambulan

NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…

18 hours ago

Inaasahang rollback sa susunod na linggo – nadagdagan pa ng hanggang sa humigit-kumulang isang piso

Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…

18 hours ago

PNP, muling dinepensahan ang pag-aresto sa ‘Mayo Uno 6’

Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…

18 hours ago

Defense chiefs ng PH, Japan, US, at Australia – kinundena ang harassment ng China sa WPS

Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…

18 hours ago