Drone na ginagamit sa documentary shooting ng isang news company sa Australia, sinakmal ng buwaya

Darwin, AUSTRALIA—Nahulicam ang pagsakmal ng isang buwaya sa drone na ginagamit ng isang news company para sana sa pagshoot ng documentary show nito.

Ang nasabing drone ay mababang lumilipad para kumukuha ng video footage ng mga buwaya sa crocodile park sa Darwin, Australia nang biglang makita ang pangil ng buwaya at nawala na lang bigla ang camera.

Hindi kaagad nalaman ng cameraman na si Dane Hirst kung ano ang nangyari sa drone ngunit makalipas ang dalawang linggo mula nang maganap ang insidente, natagpuan ng park official ang drone na may mga bakas pa ng kagat.

Hindi na ito mapakinabangan pero naisalba ang video card at doon nakumpirma ang totoong nangyari sa drone na sinakmal pala ng buwaya.

Bilang alaala ay hindi itinapon ng Australian Broadcasting Corp (ABC) ang drone at sa halip ay isinabit ito sa kanilang newsroom. || Shiela Madrigalejos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *