Drug-affected barangays sa region 12, 126 na lang

KORONADAL CITY- NASA 11.51% na lamang ng mga barangay sa Soccsksargen Region ang apektado ng iligal na droga batay sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 12.
Ayon kay PDEA 12 information officer Katryn Gaye Abad na ito ay binubuo ng 126 ng 1,095 barangays sa buong rehiyon 12.

Apat sa mga drug affected barangays ay nasa Saranggani province; 30 sa South Cotabato; 71 sa North Cotabato; 5 sa Sultan Kudarat; at 16 sa General Santos City.

Samantala, 969 barangays na ang naideklarang drug cleared, kung saan 946 sa mga ito ang cleared, 4 ang certified unaffected at 19 ang drug free.

Ang mga ito ay pumasa sa validation na isinagawa ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Program na pinamumunuan ng PDEA kasama ang mga representante ng Department of the Interior and Local Government o DILG, Philippine National Police (PNP), Department of Health (DOH), at local government units (LGUs).

Kabilang sa mga parameters ng assessment ang non-availability ng drug supply; kawalan ng drug-dependent, pusher o user; kawalan ng clandestine drug laboratory; active involvement ng mga barangay officials sa anti-drug activities; pagkakaroon ng drug awareness, preventive education and information programs at voluntary and compulsory drug treatment and rehabilitation processing desks.

Leave a Reply

Your email address will not be published.