Drug-cleared barangays sa Albay, kumonti kumpara noong nakaraang taon – PDEA Albay

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay na mas marami ang naideklarang drug-cleared barangays sa lalawigan noong nakaraang taon kung ikukumpara sa ngayon.

Ayon kay PDEA Albay head, Noe Briguel, noong mga panahong iyon ay maraming mga barangay ang inaapply upang ma-clear.

Subalit ngayong taon umano, ay nakakapagod ang aplikasyon para sa 72 barangays upang maideklarang cleared, dahil ito ang mga barangay na ang mga kategorya ay “moderately affected”.

Aniya, kapag “moderately affected” ang isang barangay, nangangahulugang nasa loob nito ang presenya ng mga tulak, at gumagamit ng mga bawal na gamot, at naandito rin ang mga drug dens.

Isa pa umano kung bakiit matagal ang aplikasyon ng ilang barangay ay dahil mayroong drug personalities na nasa listahan noong ni Pang. Rodrigo Duterte, at oras na makitang nasa barangay ang mga personalidad na ito, ang Malacañang lamang ang magbibigay ng “GO” signal upang mai-clear ito.

Samantala,kahit nakakapagod isipin ang pag-apply, sinisiguro naman ni Briguel na sisikapin nilang mai-clear ang 72 natitirang mga barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *