Drug-clearing sa mga barangay, matagumpay na isinagawa ng PNP Bicol sa dalawang magkakasunod na taon

Kinumpirma ng Police Regional Office 5 na matagumpay nilang naisagawa ang drug-clearing para sa mga barangay sa dalawang magkakasunod na taon.

Ayon kay PNP Bicol regional director, PBGen. Rudolph Dimas, lumabas bilang Top Police Regional Office ang nasabing opisina pagdating sa barangay drug-clearing program sa loob ng dalawang taon.

Ngayong taon, muli itong nasa rank no. 1 na may kabuuang rating na 93.62% na sinundan ng PRO11 sa Southern Mindanao na may 92.93% at ang PRO4-A CALABARZON na may 92.84% rating.

Sinabi pa ni Dimas, ang programang KASIMBAYANAN ni Gen. Azurin ay nananawagan para sa mas malaking police, church at community partnership sa paglaban sa kriminalidad at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong bansa at ito rin ang naging pangunahing susi sa kanilang tagumpay sa paglaban sa droga sa Bicol.

Tiniyak din niya sa publiko na ipagpapatuloy ng KASUROG Cops ang kanilang mandato at tiyaking maisakatuparan ang pagbabagong matagal na nitong ginagawa para sa mga susunod na henerasyon.

Binigyan din ng kredito ng opisyal ang BIDA program o Buhay ay Ingatan, Droga ay Iwasan program ng DILG sa pangunguna ni Sec. Benjamin ‘Benhur’ C. Abalos, Jr. sa kanilang matagumpay na kampanya laban sa iligal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *