Drug den sa Legazpi City, sinalakay; 4 katao, arestado

LEGAZPI CITY – Sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay ang isang drug den sa Purok 6 , Brgy. Bagumbayan, lungsod ng Ligao kung saan apat na katao ang naaresto.

Kinilala ang mga suspek na sina Mark Lawrence Isip (target), 25 anyos; Maria Angelica Abo, 42 anyos; Steve Tambobo, 26 anyos na pawang mga residente ng nasabing barangay at si Edwin Romano, ex-kagawad at kaka-file pa lamang ng COC sa kaparehong posiyon ngayong eleksyon na residente ng Brgy. Guilid ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay PDEA Albay head Noe Briguel, nang magkaabutan na ng drug items ang target na suspek at poseur buyer dito na sumalakay ang mga operatiba, at naabotan sa loob ang tatlo.

Narekober sa kanila ang isang pakete na suspected “shabu” na may timbang 0.4g, habang nakuha naman sa loob ang anim na pirasong ng kaparehong item na may timbang humigit-kumulang 12g, buy-bust money at iba pang non-drug items.

Napag-alaman din na ang bahay ginawang drug den ay matagal nang inirereklamo ng kanilang kapithbahay dahil sa mga taong labas-pasok dito.

Dahil dito, agad nagsagawa ng surveillance ang PDEA sa lugar.

Ang mga suspek ay pansamantalang dinala sa PDEA Albay para sa kaukulang disposisyon, habang inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *