Drug den sa Tigaon , Camarines Sur sinalakay

NAGA CITY- Sinalakay ng PDEA , PNP kasama pa ang NAVFORSOL ang drug den sa Tigaon , Camarines Sur, naaresto ang  magkapatid at bisita.

Sa ulat ng Tigaon Municipal Police Station nakasaad na naaresto ang umano’y drug maintainer na si  Alfredo Alarcon Jr y Moreno  alyas “Diego” 42-anyos ng Brgy. Gubat, bisita na si Domingo Alarcon y Moreno, 37-anyos at  Sharmie Afante.

Habang si  Aldrin Alarcon y Moreno, 33-anyos ay nakatakas. Nagkaroon pa ng palitan ng putok sa gitna ng operasyon nang tumatakas si Aldrin, hindi naman ito naabutan.

Nakuha naman ng operatiba sa bahay ang mga sachet ng hihinalang shabu at mga drug paraphernalia , tinatayang aabot sa P160K ang halaga ng nakumpiskang items.

Ang mga nahuling mga suspek ay kabilang pa umano sa Bosito Drug Group, subalit mariin naman nila itong itinanggi.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang kakaharapin na kaso ng mga nahuling suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *