Nakakulong na at nahaharap sa kasong paglabag sa section 11 and 12 of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang drug suspect mula sa Barangay Bancalaan, Balabac, Palawan.
Nitong Huwebes, March 9, 2023 ay ipinatupad ng mga awtoridad ang Search warrant sa bahay ng suspek na si Jul Jabbal 63 anyos.
Ayon sa Palawan Provincial Police Office, kinumpiska ng pulisya sa kanya ang (6) piraso ng medium heat-sealed transparent plastic sachet na may laman na hinihinalang shab at isang(1) piraso ng malaking plastic sachet na may laman din ng white crystalline at anim (6) na piraso ng nsealed plastic sachet na naglalaman din ng hinihinalang shabu.
Ang tinatayang 20 gramo ng suspected shabu ay nagkakahalaga ng Php200,000.00.
Maliban rito, kinumpiska rin kay Jul ang isang piraso ng wooden stick (improvised sealed), apat na piraso ng empty plastic sachet, isang (1) piraso ng improvised plastic straw, isang piraso ng sling bag at limang foil strips.