Dry condition nararanasan na rin sa Camarines Norte dahil sa epekto ng El Niño

CAMARINES NORTE – Nararanasan na rin sa lalawigan ng Camarines Norte ang “dry condition” dahil sa epekto ng El Niño.

Halos isang buong linggo ngang hindi nakaranas ng pag-ulan ang lalawigan at sa buong panahong ito ay ramdam ang mainit na temperatura.

Pero kahapon, araw ng linggo ay nakaranas ng mahinang ulan ang ilang bayan pero hindi ito nagtagal.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) Daet station naranasan ang moderate to heavy rainshowers na may kasamang pagkidlat sa mga bayan ng Labo, Capalonga at Sta Elena pasado alas 4 ng hapon.

Nakaranas naman ng mahinang ulan pasado alas 5 ng hapon sa mga bayan ng Daet, Paracale, Labo at Jose Panganiban.

Una nang inanunsiyo ng Pagasa Southern Luzon Regional Services Division na nararanasan na sa rehiyon ang “dry condition”, ang tawag sa mga lugar na mababa sa normal ang pag ulan sa loob ng dalawang buwan.

Sa kabila naman ng mainit na panahon, hindi pa apektado ang mga dam tulad ng Alawihao na nagsusuuplay ng tubig sa malalaking palayan.

Nauna na ring sinabi ng National Irrigation Administration na hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa mga magsasaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *