Dry run para sa single ticketing system, magsisimula na ngayong Abril

Inihayag ng Metropolitan Development Authority kahapon na magsasagawa sila ng trial run ng single ticketing system sa una o ikalawang linggo ng Abril sa ilang local government units.

Sa isang press briefing, sinabi ni MMDA chair Romande Artes, pitong local government units sa Metro Manila na kinabibilangan ng San Juan, Muntinlupa, Quezon City, Valenzuela, Parañaque, Manila at Caloocan ang nagpahayag na ng kanilang kahandaan sa pagsasagawa ng dry run.

Isang buwan na ang nakalipas nang pagtibayin ng mga alkalde sa Metro Manila ang bagong Metro Manila Traffic Code na nagbibigay daan para sa pagpapatupad ng single ticketing system sa buong National Capital Region.

Samantala, binigyang-diin ni Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora, ang kahalagahan ng iisang ticketing system lamang.

Target ng single ticketing system na magtatag ng uniform policy sa traffic violations at penalty system sa Metro Manila.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *