Dry run sa 2 pick up points sa Tabaco City nagpapatuloy

LEGAZPI-Nagsimula na kahapon ang sinasagwang dry-run para sa dagdag na dalawang pick-up points para sa mga modern at traditional jeepney sa Tabaco City.

Nagsimula na ang sinasagwang dry run na magtatapos sa darating na linggo.

Layunin umano nito na mas madali at hindi pahirapan sa mga pasahero na kinakailangan pa na bumyahe papuntang grand terminal.

Ang nasabing mga pick-up points ang matatagpuan sa Ziga Avenue, isa sa harap ng Christ the King plaza at isa naman sa harapan ng Catholic Cemetery.

Samantalang sa mga UV express vans mayroon ng linagay na sub terminal sa parking lot malapit sa CSWD building na kung saan ito lamang ang lugar na allowed silang mag pick up ng pasahero sa oras ba alas 6 hanggang alas 9 ng umaga at susundan ng alas 3 hanggang alas 6 ng hapon .

Dagdag pa nito bawal din ang pag-antay sa lugar at ipapatupad ang no waiting policy at pick up lamang.

Matapos ang dry run, magsasagawa ng evaluation rito at iimplementa na sa nasabing lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *