DSWD 12, nagdiriwang ng ika-72 anibersaryo

KORONADAL CITY- NAGSIMULA na ang dalawang linggong pagdiriwang ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 12 ng kanilang ika-72 anibersaryo.

Ito ay may temang Kaagapay sa Pagbangon, Katuwang sa Bawat Hamon.

Kabilang sa mga aktibidad ng DSWD 12 ang Panata ko sa Bayan Awards, Loyalty Awards, Community Outreach, Larong Pinoy, Singing Contest ng mga staff, Videoke Challenge, Booth Display, Zumba Party at iba pa.

Inihayag ni DSWD 12 regional director Loreto Cabaya Jr na highlight ng nasabing selebrasyon ang pagbibigay ng recognition sa mga empleyado at mga partners ng DSWD 12 sa pag-abot sa mission at vision ng ahensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *