KORONADAL CITY- NAKAHANDA na ang mga Family Food Packs at Non-Food Items ng Department of Social Welfare and Development o DSWD-12 para sa mga residente na apektado ng sunod-sunod na pag-ulan sa ilang mga lugar sa SOCCSKSARGEN.
Base sa datos, nasa 136 na mga pamilya ang apektado ng pagbaha sa siyam na mga barangay sa Banga, South Cotabato; pito na mga barangay naman sa Mlang, Cotabato Province ang apektado ng pag-apaw ng tubig sa creek at irrigation canals.
Kaagad namang nagsagawa ng validation at assessment ang mga kawani ng DSWD-12 sa nasabing mga lugar upang alamin kung ano pa ang maaaring maitulong ng ahensya.
Naka-standby naman din umano ang Quick Response Team sang Disaster Response Management Division o DRMD sa oras na magpapatuloy pa ang pagbuhos ng ulan at pagbaha sa mga flood-prone areas sa Rehiyon Dose.
