DSWD-12, pinasiguro ang tulong para sa rebelde

KORONADAL CITY- PINASIGURO ng Department of Social Welfare and Development o DSWD-12 ang tulong para sa mga rebeldeng sumuko sa gobyerno.

Ayon sa ahensya, bilang kasapi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC mayroong mga nakatakdang programa ang DSWD-12 para sa mga rebelde.

Kabilang dito, ang Assistance to Inviduals in Crisis Situation o AICS, house rental assistance, psychosocial counseling, food packages, hygiene at sleeping kits.

Ayon kay DSWD-12 Regional Director Restituto Macuto, upang malaman ang nararapat na tulong para sa mga rebelde, isinasailalim ang mga ito sa assessment upang malaman ang tulong na para sa kanila.

Samantala, maaari rin na makapagbigay ang ahensya ng tulong pangkabuhayan, cash for work program at maaring mapabilang ang mga ito sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at marami pang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published.