Aabot sa 14,000 na mga indibidwal na apektado ng oil spill sa Naujan, Oriental Mindoro, ang makakabenepisyo sa cash-for-work program ng gobyerno.
Ayon kay DSWD spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez, ipa-prayuridad ng gobyerno ang mga mangingisda na apektado ng kasalukuyang fishing ban, Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) members, at iba pang indigent individuals, na magsisimula sa March 15.
Posible rin umano itong i-extend kung talagang kakailanganin dahil ang mahalaga dito, hangga’t hindi nano-normalize ang situation ng mga kababayan sa naturang lugar ay aalalayan umano ng gobyerno.

Ang mga participants ay makakatanggap ng P355 kada araw, na minimum wage sa Mimaropa.
Bukod sa cash-for-work program, mayroon ding emergency cash transfer ang ahensya sa higit 1,000 na indibidwal para sa Agutaya, Palawan, na apektado rin ng nangyaring oil spill. //MHEL PACIA-TRINIDAD