DSWD Bicol, mayroon ng p5 million halaga ng standby funds para sa mga apektado ng lindol sa Masbate

Tuloy-tuloy ang paghahanda ng Department of Social Welfare and Development Regional Office V para makapaghatid ng tulong sa Masbate kung sakaling kailanganin.

Ito ay kasunod ng tumamang magnitude 6 na lindol, kaninang madaling araw sa lalawigan. Ayon sa DSWD Bicol, mayroon na silang ₱5 milyong halaga ng standby funds para sa Masbate.

Bukod sa standby funds, mayroon din silang nakahandang 28,384 family food packs, at 51,540 non-food items na handa na para sa augmentation sa LGUs.

Patuloy rin ang isinasagawang damage assessment ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng Dimasalang, Masbate, ayon pa mismo sa ahensya, may ilan ng mga naiulat na mga bitak at bahagyang nasirang mga gusali sa lugar ng Masbate, asahan din umano ang walang tigil na pagmomonitor nila sa mga pinsalang dulot ng lindol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *