DSWD Bicol nagbukas ng Community Pantry

Patuloy na binuksan ang Community Pantry ng mga kawani ng DSWD Region V para sa mga kliyenteng kumukuha ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).


Hango parin umano ito sa “Maginhawa Community Pantry” na ang Layunin umano nito sa simpleng paraan ay matugunan at maibsan umano ang kalam ng sikmura ng mga kliyenteng kumukuha ng tulong pinansyal para sa mga indibidwal na kumakaharap ng iba’t ibang krisis at gipit na sitwasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng snacks sa mga ito.


Dagdag pa nito miamong ang Pantawid Pamilya Regional Program Management Office ang boluntaryong nagtaguyod ng pantry.

Samantalang maliban sa pagkain ay may ginawa rin silang pakulo tulad ng paglalagay ng mga mensahe sa brown bag kung saan maaaring ilagay ang mga napiling pagkain at inumin.

Layunin nitong makatulong sa mental health ng mga kumukuha ng tulong pinansyal bilang pagdamay sa panahon ng pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *