DSWD Bicol nagsagawa ng media forum sa Albay para sa kanilang mga accomplishment 2021

LEGAZPI CITY – Isinagawa ngayon umaga ang media forum sa Albay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol upang ilatag ang kanilang mga nagawang accomplishment sa taon 2021 Ayon sa tanggapan, nakatanggap ng mga major accomplishments ang DSWD tulad ng Performance Governance System Proficiency Level, ISO Certified, Regional Rehabilitation Center for Youth (RRCY) Level III accredited, kauna-unahang Region na nakakomoleto ng pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP), bayanihan 2 emergency subsidy at marami pang iba.

Sa taong 2021 mayroon program accomplishments na nagawa rin ang ahensya kabilang rito ang Social Amelioration Program (SAP) na 2nd tranched sa Albay mayroong 218, 756 total familis served, 76, 634 sa Pantawid, 142, 122 NON-CCT sa kabuuhang umaabot na sa mahigit P990M ang 2nd tranche disbursed na ng ahensya.

Aabot na rin sa 211, 380 household beneficiaries sa Kalahi Cidss ng National Community Driven Development project Tinatayang 38, 336 o mahigit sa P373M ang kabuuhang total benepisyaries served ng Sustainable livelihood program ng DSWD sa rehiyon.

Ayon kay Joy Bellen , nasa 500, 095 ang inisyal listahanan na identified poor household sa Bicol as of Nov 9, 2020 na kung saan 45.83% sa 1.1M households rito ang naasses regionwide ng DSWD.

Aniya, nagkaroon na rin pagbabago ang rehiyon bicol pagdating sa mga poorest region kung saan nasa ika anim na pwesto na lamang ito.

Base sa datus ng listahanan ang Lalalwigan ng Camarines Sur ang pinakamaraming na identified na mahihirap na umaabot sa 164, 031, sinundan ito ng Sorsogon na may 89, 545, Albay 81, 945, Masbate 78, 759, Camarines Norte 61, 627 at ang Catanduanes na mayroon lamang na 24, 188 na mahihirap.

Nilinaw ni Bellen, na hindi ibig sabihin ang Camsur ang pinakamaraming bilang na mahihirap ay sya rin ang maraming naitatalang poorest province na ibig sabihin lamang nito ay maraming population at lot area kumpara sa ibang lalawigan sa Bicol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *