DSWD Bicol, namahagi ng ayuda sa mga pamilyang nasunugan sa Camarines Sur at Albay

BNFM BICOL – NAMAHAGI nang aabot sa mahigit 111,000 relief goods ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol sa 13 pamilya na biktima ng sunog sa mga probinsya sa Camarines Sur at Albay.

Mababatid na 13 na bahay ang tinupok ng apoy sa magkakaibang insidente ng sunog sa mga bayan ng Tinambac, Goa, Calabanga, at Naga City sa Camarines Sur at sa Tiwi naman sa Albay.

Ang response team naman ng Disaster Response Management Division at ng DSWD Municipal SWAD action team ang naghatid ng mga family food packs at non-food relief items sa mga biktima.

Bukod dito, tatanggap din ang mga apektadong pamilya ng PHP10,000 na financial assistance sa ilalim naman ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program ng ahensya. ### Pauline Manga, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *