DSWD Bicol, natapos na ang mahigit 1,000 sub-projects sa ilalim ng KALAHI-CIDSS

LEGAZPI CITY – Mahigit 1,000 o 1, 358 sub-projects ang natapos na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol sa pamamagitan ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS).

Ayon kay DSWD Bicol Regional Director Norman Laurio, ang KALAHI-CIDSS ay pangunahing nakasentro sa pagtaas ng partisipasyon ng mga miyembro ng komunidad sa local planning, project implementation, monitoring, at sustainability.

Natukoy ang mga sub-projects sa pamamagitan ng proseso ng pagpaplano ng KALAHI-CIDSS sa pagsasagawa ng Participatory Situational Analysis (PSA) at mga konsultasyon sa komunidad upang tumugon sa mga pangangailangan.

Para matiyak ang functionality ng mga sub-project, isang sustainability evaluation ang isinasagawa sa anim na buwan pagkatapos makumpleto ang sub-project at bawat taon pagkatapos noon.

Ang evaluation test ay pinangangasiwaan ng multi-stakeholders inspectorate team na binubuo ng mga kawani mula sa mga piling miyembro ng munisipyo, barangay, LGUs at mga volunteers ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *