Pinaalalahanan ng Dept of Social Welfare and Development (DSWD)-Bicol ang mga kandidato sa Okt. 30 BSKE na hindi ‘welcome’ ang kanilang presensya sa mass payout, lalo na sa Assistance to Individuals in crisis Situation o AICS.
Ang AICs ay kabilang sa mga programa ng gobyerno na exempted sa spending ban na nakasaad sa mga probisyon ng section 261 ng Omnibus Election Code kaugnay sa Resolution No. 10944 ng Comelec.
Ang massive payout ay hanggang Okt. 20 habang ang regular na AICS o pagbibigay ng pangunahing pangangailangan katulad ng pagkain, transportasyon, medical, pang-edukasyon, libing at iba pang katulad na tulong, ay magpapatuloy.
