DSWD Central Luzon, nagbabala sa publiko kaugnay sa fake solicitation

Nag babala ang DSWD o Department of Social Welfare and Development Central Luzon hinggil sa kumakalat sa Tarlac na fake solicitation.

Nakatanggap kasi ng ulat ang DSWD na may pekeng dokumento na may logo ng kanilang Kagawaran ang umiikot ngayon sa lalawigan ng Tarlac para manghingi ng solicitation.

Nakasaad sa naturang letter na ang Development for the Blinds Welfare of the Philippines Inc ay binigyan umano ng authority na makapag sagawa ng fund campaign mula January 10, 2023 hanggang March 15, 2023 at may lagda pa ni Marites Maristela ang Assistant Secretary for Luzon Affairs ng DSWD.

Nilinaw naman ni Maristela na pineke lang ang kanyang pirma sa naturang solicitation letter.

Ayon pa sa report, nakapag likom na raw ng mahigit 26 thousand pesos mula sa ilang indibidwal at grupo. Sa ngayon nagsasagawa na ng imbestigasyon ang DSWD at tiniyak na pananagutin ang sinumang nasa likod nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *