Suportado ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang inisyatiba ng National Commission on Senior Citizen o NCSC sa pagkakaroon ng senior citizen information system.
Kaugnay nito, hinihimok ng DSWD ang mga senior citizens na hindi pa nakakapagpatala sa online registration system.

Open ang registration sa mga may edad 60 years old pataas, pwedeng mag fill out ng form online sa ncsc.gov.ph o kaya’y manually, magtungo lang sa opisina ng senior citizens affairs office sa inyong lugar.
Ayon kay DSWD Asst. Secretary at spokesperson Romel Lopez, ang nationwide database ng mga senior citizen ay magiging baseline para sa pagbuo ng mga patakaran at pagpapaunlad ng mga programa para sa protection at pagtataguyod ng older person sector.