DSWD, ibinahagi na ang listahan ng poor households sa PSA para sa nat’l ID system

Pormal nang ibinahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng National Household Targeting Office (NHTO) ang Listahanan 3 data sets sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa pamamagitan ng isang ceremonial turnover sa DSWD Central Office.

Ang Listahanan, na huling inapdate noong 2022, ay isang information system para sa pagtukoy kung sino at saan ang mga poor households sa buong bansa.

Ginagamit ng DSWD ang naturang datos bilang basehan para sa targeting beneficiaries para sa kanilang social protection programs.

Mababatid na hiniling ng PSA ang listahan ng data subjects na gagamitin nila para sa prioritization ng mga aplikante para sa Philippine Identification System (PhilSys) registration, batay sa mga panuntunan sa ilalim ng Republic Act No. 11055 o ang PhilSys Act of 2018.

Nangako naman ang PSA na magsasagawa sila ng data matching bilang mahigpit na pagtalima sa umiiral na data privacy laws at protocols, habang tiniyak naman ng DSWD sa publiko na patuloy silang tatalima sa Data Privacy Act of 2012 para protektahan ang Listahanan 3 data subjects mula sa hindi otorisadong access, disclosure, at unlawful processing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *