Pinayuhan ng Department of Social Welfare and Development ang publiko na huwag pansinin ang mga text messages kaugnay sa umano’y “unclaimed” na relief allowances para sa mga senior citizens at retired business owners.
Ginawa ng ahensya ang pahayag matapos makatanggap ng ulat mula sa concerned citizen kaugnay sa naturang kumakalat na mensahe.
Paglilinaw ng DSWD, na hindi sila naglabas o naglathala ng naturang message, at wala rin umanong ganoong klaseng relief allowance na ibinibigay para sa mga senior.
Giit pa ng ahensya na ang kanilang financial assistance para sa mga indibidwal sa crisis situation, kabilang na sa mga senior citizens, ay ibinibigay sa pamamagitan ng Crisis Intervention Unit sa central office at sa lahat ng DSWD field offices sa buong bansa.