DSWD, naglabas ng cease at desist vs orphanage sa QC

Nagpalabas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng cease at desist order laban sa isang pribadong orphanage sa Quezon City, matapos na lumabag umano ito sa mga batas laban sa child abuse, exploitation, at diskriminasyon.

Ang naturang kautusan ay inilabas ng DSWD laban sa Gentle Hands Inc. kasunod din ng mga natanggap nilang ulat na ang naturang orphanage ay bigo rin na tumalima sa minimum standards para sa “residential facilities for children.

Kaugnay nito, nagsagawa rin si Secretary Rex Gatchalian ng surprise visit sa orphanage sa Project 4, ng naturang lungsod, kung saan tinukoy nito na ang mga bata na nasa ilalim ng GHI ay nasa “imminent danger.”

Hindi naman binanggit na ng ahensya ang kanilang mga criteria hinggil sa naging findings ng departamento sa likod ng ‘imminent danger’ tag. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *