DSWD region 2, tiniyak na makatatanggap pa rin ng cash grant ang mga 4ps beneficiaries anuman ang kanilang vaccination status

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development Region 2 na makakatanggap pa rin ang mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng kanilang cash grant bakunado man o hindi.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay 4Ps Information Officer Jeanet Lozano ng DSWD RFO2, sinabi niya na ang basehan pa rin upang makakuha ang mga 4Ps beneficiary ng kanilang cash grant ay ang compliance ng mga ito sa kanilang education at health condition hindi ang vaccination status.

Ngunit aniya mayroon pa ring isinasagawang development session kada-buwan kung saan ipinapaliwanag sa mga benepisaryo ang kahalagahan ng bakuna kontra COVID-19 sa kanilang kalusugan.

Ayon pa kay IO Lozano, umabot na sa 2,000 4Ps beneficiaries ang fully vaccinated na habang mahigit 3,000 na ang nakatanggap ng kanilang first dose.

Sa ngayon aniya ay nagpapatuloy ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga Local Government Unit upang mabakunahan na ang mga benepisaryo ng 4Ps ngunit susundin pa rin ang prioritization list.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *