DSWD Sec Tulfo : ‘I am sorry’

‘I am sorry, I apologize po..’

Ito ang naging pahayag ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo sa libu-libong mga nagsipila sa mga tanggapan ng DSWD ngunit bigong makakuha ng kanilang educational assistance.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Tulfo na aminado silang hindi nila inaasahang ganito karami ang daragsa sa kanilang opisina, lalo na sa kanilang Central Office sa Quezon City.

‘Di raw kasi nila inakalang pati ang mga nagmula pa sa ibang rehyon ay sa Metro Manila office din pipila.

Sinabi pa ni Tulfo na batid na raw ng Pangulong Bongbong Marcos ang sitwasyon sa mga mahahabang pila.

Dahil dito, nakatakda na raw maglabas ng memorandum of agreement ang DSWD kasama ang Department of Interior and Local Government para makatuwang ang mga LGUs sa payout na isasagawa na sa mga munisipyo’t mga lungsod.

Aniya, ang aral daw na natutunan nila ngayong araw ay dapat i-anticipate na nilang mas maraming daragsang mga nais kumuha ng financial aid.

Para naman sa mga nananatili pa rin sa pila hanggang sa ngayon sa kabila ng cut-off kanina pang alas-siyete ng umaga – sinabi ng Kalihim na hindi raw nila ito paaalisin at idi-disperse.

No ‘extension’ sa applicaiton ng educ assistance

Naniniwala si Tulfo na sapat na ang inilaang anim na Sabado para sa application ng mga nais kumuha ng educaitonal assistance.

Ito ay kahit na dumagsa ang mga learners, mga magulang, at mga guardian sa mga tanggapan ng DSWD sa pagbabakasalaking mabigyan din sila ng ipinangakong tulong pinansyal.

Ayon kay Tulfo, sa ngayon ay hindi nila nakikita ang pangangailangan na i-extend ang period para rito.

Paliwanag ng Kalihim, sapat pa ang limang Sabado na nalalabi para sa assistance distribution.

Samantala, magkakaroon naman daw ng ‘text blast’ ang DSWD para sa mga nabigyan na ng stub.

Ang mga beneficiaries na mayroon nang stub ay ia-accommodate simula sa Lunes, para raw hindi na sila muling pumila pa sa mga susunod na Sabado.

Sa huli, muling nanawagan si Tulfo sa mga nais maging benificiaries sa labas ng Metro Manila na huwag nang dumagsa sa kanilang Central Office sa Quezon City at tumungo na lamang sa kanilang mga regional offices.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *