DSWD Sec. Tulfo, nasa Palawan

Malugod ang pagtanggap ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagdating ni DSWD Secretary Erwin Tulfo kasama ang iba pa ngayong araw, August 11, 2022.

Sa kanilang isinagawang pagpupulong ay ibinahagi ni DSWD Sec. Tulfo ang ginawang hakbang partikular sa Quick response, Disaster resiliency and Preparedness.

Sa bahagi ng pahayag ni Sec. Tulfo ay sinabi niyang ” We are here to listen to the problem of the Province of Palawan especially on quick response, which is also part of President Marcos’ plan to conduct assessment in the country”.

Samantala ibinahagi naman ni Congressman Alvares ang Typhoon Resilient Design Building para gawing DSWD Center at Disaster Preparedness Center at Livelihood Center na parte ng kanyang proyekto.

Inilahad naman nina PSWDO Ablaña at PDRRMO Alili ang ginagawa ng Pamahalaang Panlalawigan na Disaster Preparedness and Response, maging ang mga serbisyong kanilang ipinagkaloob sa mga mahihirap na Palaweño at proyektong imprastraktura.

Leave a Reply

Your email address will not be published.