DSWD, sinimulan kahapon na ang relief operations sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa Visayas at Mindanao

Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development ang kanilang releif operation sa mga lalawigan ng Visayas at Mindanao na apektado ng pagbaha dahil sa shear line.

Sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang DSWD field offices sa Eastern Visayas at Northern Mindanao,  ay nagsimulang mamigay ng food packs sa mga residente sa mga apektadong lugar sa Eastern Samar, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Camiguin at Bukidnon.

Ayon kay Region VII Director Grace Subon, may kabuuang 32,458 indibidwal ang naapektuhan ng pagbaha sa mga bayan ng Jipapad, Oras, Arteche, Mercedes, Taft at Giporlos sa Eastern Samar nitong weekend.

Nakipag-ugnayan ang DSWD sa mga Municipal Government para sa pamamahagi ng mga relief goods.

Samantala, sinabi ni Region X Director Ramel Jamen na nagsimula na rin silang mamigay ng food at non-food relief items sa mahigit 9,342 pamilya o 45,687 na mga indibidwal sa mga lalawigan ng Misamis Oriental, Misamis Occidental, Camiguin at Bukidnon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *