DSWD, target ang posibleng one-time extension ng educational assistance payout

Ikinokonsidera ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang posibleng one-time extension sa pamamahagi ng educational assistance, sa harap na nakatakdang magtapos ang six-week payout sa Sept. 24.

Pero ayon kay DSWD Spokesperson Romel Lopez, na ang extension ay depende sa pagiging availability ng pondo mula sa P1.5 billion allocation, matapos ang huling araw ng distribution.

Read More:  Rep. Pulong calls for fair impeachment trial of VP Sara

Sakaling matuloy ang one-time extension, sinabi ni Lopez na hindi na magbubukas ang DSWD ng online registration, na isinara na ng ahensya noong nakaraang linggo matapos na hindi kinaya ng kanilang system dahil sa dami ng mga aplikante.

Read More:  Bantay Impeachment: avoid delaying tactics in VP Sara impeachment trial

Giit nito, na kung may kukunin man umano sila sa labas ng ng dalawang milyong aplikante, ay ito umano ang mga kababayan na walang access sa internet o sa gadgets.