DSWD, tiniyak ang tulong sa 2 sundalong tinambangan habang nasa relief ops sa Abra

Siniguro ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na mabibigyan ng tulog ng gobyerno ang mga sundalong nasawi sa kasagsagan ng relief operations sa mga quake-hit areas sa Abra.

Ayon sa Kalihim, nakikiramay sila sa mga naulila at mga naiwang kaanak ng dalawang sundalo.

Pagtitiyak ni Tulfo, hindi sila pababayaan ng Gobyerno, at mabibigyan din ng karampatang assistance.

Matatandaang nasawi ang dalawang tropa mula sa 24 Infantry Batallion ng Philippine Army.

Sa ulat ng 92.9 Brigada NewsFM Cauayan, tinambangan ang mga tropa ng militar sa Malibcong, Abra habang nagsasagawa ito ng Disaster Response Operation sa mga naapektuhan ng lindol.

Sa hiwalay naman na pahayag, kinundena ng Office of the Civil Defense ang naturang insidente.

Ayon sa OCD adminstrator ret. gen. Raymundo Ferrer, ipinagluluksa nila ang pangyayari.

Binatikos ni Ferrer ang ginawang ambush ng mga suspected members ng mga komunistang rebelde dahil nasa Abra ang mga sundalo para maghatid ng tulong sa ating mga kababayang apektado ng lindol – at hindi para makipaggiyera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *