DSWD, tiniyak na may mananagot sa ipinamigay na delatang ‘may amoy’ sa oil spill victims

Hinihintay pa rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang naging resulta ng pagsusuri ng Food and Drug Administration (FDA) sa mga delatang ipinamahagi sa mga oil spill victims sa Oriental Mindoro.

Kung matatandaan – pina-recall ang mga delatang kasama sa mga na-distrubute na food packs dahil sa ‘di umao’y masamang amoy at parang expired na.

Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, wala pang pinal na findings ang FDA sa mga samples na sinuri nito para malaman kung expired na ba ito, ‘o kung anong dahilan kung bakit ito nasira.

Sa mga dokumento ng DSWD, nalamang hanggang 2025 pa raw ang expiration ng naturang mga delata.

Samantala, sakali mang may mapatunayang pagkukulang sa handling ng mga ito – nangako ang DSWD na may mananagot sa isyu.

Inaaral na rin ng ahensya ang posibildad na baka ma-blacklist na ang kanilang supplier sa mga accredited suppliers ng Gobyerno sa tuwing mayroong mga procurement.

Una nang nilinaw ni DSWD spokesperson Asec. Rommel Lopez na may ‘framework’ sa agreeement ng Kagawaran at ng supplier kaya kung ano lang ang mga delatang na-distribute ay ‘yun lamang ang babayaran ng Gobyerno. // LGD edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *