DTI 12 magsasagawa ng disposal ng violative products

KORONADAL CITY- MAHIGIT sa P 500,000 na halaga ng mga nakumpiskang uncertified at substandard na mga produkto ang nakatakdang i-dispose ng Department of Trade and Industry o DTI region 12 sa October 18 at October 19.

Ang disposal ng violative products ay bahagi ng aktibidad ng DTI 12 sa selebrasyon ng Consumer Welfare Month.

Inihayag ni DTI 12 Consumer Protection Division Chief Mary Ann Morales na kabilang sa produktong kanilang sisirain ay ang mga CFL lights, wires, steel bars, steel wires, toilet bowls at mga pipes o tubo.

Ang mga ito ay nakumpiska noong nakaraang taon mula sa 25 mga establisemento sa rehiyon na isinailalim sa monitoring at enforcement operations ng departamento.

Ang mga may-ari ay naisyuhan na ng notice of violations at 16 sa mga ito ay nakapagbayad na kanilang penalty.

Ang disposal ay ang huling bahagi ng proseso ng DTI. Ito ay isasagawa sa harap ng mga opisyal ng Commission on Audit (COA).

Napag-alaman na ang mga nakumpiskang produkto ay walang safety marks katulad ng Philippine Standard o PS Marking at Import Commodity Clearance o ICC sticker.

Ayon kay Morales na hindi safe gamitin ng mga consumers ang mga uncertified at sub-standard na mga produkto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *