DTI Albay, hindi pa masabi na tumataas ang mga presyo ng basic at prime commodities

LEGAZPI CITY – Hindi pa masabi sa ngayon ng Department of Industry (DTI) Albay na tumataas ang mga presyo ng mga basic at prime commodities sa pangkalahatan, dahil ang mayroong mga tumataas at mayroon din namang bumababa.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DTI Albay provincial director, Dindo Nabol, sinabi niyang patuloy at unti-unti ang pagtaas ng presyo ng mga basic and prime commodities, ngunit mayroon din naman retain.

Aniya, batay sa kanilang monitoring, hindi naman labis ang itinaas na presyo ng mga ito dahil hindi maaring lumampas sa 10% increase bawat buwan base sa SRP.

Kabilang umano sa mga commodities na tumaas ang presyo ay ang mga sardinas, gatas, tubig, kandila, suka, toyo; samantalang ang mga condensed at evaporated milks naman ay bumaba sa 7%.

Dahilan umano ng pagbabago ng mga presyo nito ay sa law of supply and demand.

Kapag mayroon umanong naglagay ng presyong lampas sa 10% na increase ay bibigyan ng isang letter of inquiry sa establisimento at papupuntahin sa opisina ng ahensya upang magpaliwanag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *