DTI Bicol, may paalala hinggil sa anunsyong may kinalaman sa pagbibili ng mga sub-standard fire extinguisher

LEGAZPI CITY – Nagbigay-paalala ang Department of Trade and Industry (DTI) Bicol hinggil sa anunsyo nitong may kinalaman sa pagpapabili o pagbibili ng mga sub-standard na fire extinguisher sa mga tindahan lalo na’t ngayong panahon na mabenta ang mga ito.

Sa panayam kay DTI Bicol Consumer Protection Division (CPD) Chief, Ruben Sombon, ng Brigada News FM Legazpi, sinabi niyang ang mga fire extinguishers ay isa sa mga produktong nasa ilalim ng mandatory certification – ibig sabihin, regulated ito ng kanilang ahensya kasama ng mga construction materials, kung saan kinakailangan mayroon silang PS mark o ICC sticker bago ipagbili sa mga tindahan.

Sinabi rin niya, dapat na alam ng bawat mamimili ang tamang paggamit nito bago bilhin, at siguraduhing mayroon itong PS mark o ICC sticker na nagpapatunay na ang nasabing produkto ay sumailalim sa mga pagsusuri.

Aniya, panawagan ni Sombon at ng kanilang ahensya, kung gagamit umano ng fire extingtuishers, lalung-lalo na ang mga establisimento, kung saan ay regular silang ipinatatawag para sa mga updates kan product standards, dapat alam nila na ang mga ito ay mayroong sticker.

Maaari umano silang mag-isyu ng notice of violation, inventory, o magfile ng charge sa mga tindahan na nagpapabili ng fire extinguishers na walang nasambing marka o stickers, dahil ito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *