DTI Bicol, naghihintay pa ng abiso para sa pagpatupad ng P500 discount para sa senior citizens at PWDs sa ilang mga bilihin

LEGAZPI CITY – Abiso na lamang ang hinihintay ng Department of Trade and Industry (DTI) Bicol mula sa head office para sa pagpapatupad ng PHP500 na discount para sa senior citizens at Persons with Disability (PWDs) sa mga basic commodities o groceries pati na rin sa ilang construction supplies.

Ito ang inihayag ni DTI Bicol Consumer Protection Division Chief Ruben Sombon sa Brigada News FM Legazpi.

Ayon kay Sombon, sakop ng diskwento ang mga produkto sa basic commodities katulad ng lahat ng rice varieties, mais, lahat ng uri ng tinapay maliban sa pastries and cake, fresh, dried, canned na mga isda at iba pang marine products, fresh pork, beef and poultry meat, fresh eggs maliban sa quail eggs, potable water, in bottles and in container, fresh and processed milk maliban sa mga kinokonsiderang food supplement, sariwang mga gulay kabilang ang root crops, sariwang prutas, locally manufactured na mga kape and coffee creamers, lahat ng uri ng asukal at mantika, asin, powdered, liquid, bar, laundry and detergent soap.

Kasama rin ang firewood, uling, lahat ng klase ng kandila, LPG at kerosene.

Sinabi pa niya sakop din ng discount ang prime commodities tulad ng harina, dried processed, canned pork, beef at poultry meat, dairy products, sibuyas, bawang, suka, toyo, patis, toilet at bath soap at marami pang iba, kabilang na rin ang ilang construction at electrical materials.

Samantala kung babalikan, ginarantiya ni House Speaker Martin Romualdez na maipapatupad na sa buwan ng Marso ang nasabing bagong dagdag na diskwento mula sa kasalukuyang PHP250 bawat buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *