DTI Bicol, nilinaw ang tungkol sa batas na may kinalaman sa vape o e-cigarettes

Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) Bicol na ang RA 11900 o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulations Act ay hindi naman nag-uutos na ipagbawal ang vape kundi iregulate lamang ang pagbebenta.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DTI Bicol regional director Rodrigo Aguilar, sinabi niyang pinahihintulutan ang pag-import maging ang pagmanufacture at distribusyon, subalit mayroon itong mga kinakailangang sundin.

Aniya, kinakailangang siguruhin ng mga manufacturers na hindi maaapektuhan ang kalusugan at kaligtasan ng mga konsumer.

Dito umano pumapasok ang papel ng mga implementing agencies na maipatupad nila ang mga kinakailangan.

Dagdag pa niya, iba umano ito sa ipinatutupad para sa mga sigarilyo kung saan marami ang mga ipinapatupad tulad ng pagbabawal na magbenta sa mga menor de edad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *