DTI, dinepensahan ang kapangyarihang magtakda ng SRP

Kasabay ng patuloy na pagtaas ng bilihin at mga bagong order sa pagmahal ng mga basic needs sa merkado – dumipensa ang Department of Trade and Industry sa kapangharihan at otoridad nito sa pagtatakda ng mga suggested retail prices o SRP.

Sa isang pahayag, nanindigan si Trade Secretary Mon Lopez na itinatakda ng batas na DTI ang nagsa-suggest ng resonableng presyo sa mga basic necessities at prime commodities.

Aniya, mismong mga manufacturers, distributors, at retailers ang unang nagbibigay ng SRP at tska naman ito isasailalim sa verification at review ng DTI.

Bago ito, matatandaang una nang kinumpirma ni DTI Undersecreatry for Consumer Protection Group Ruth Castelo na mayroon nang ilang mga manufacturer ang humiling ng price increase sa kanilang mga produkto.

Ilan sa mga ito ay ang mga manufacturer ng Pinoy Tasty at Pinoy Tasty Pandesal, ilang mga sabong panlaba, at isang branned ng de latang sardinas.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *