DTI, dumepensa sa kanilang P500 Noche Buena price guide

Denepensahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang P500 Noche Buena price guide, matapos na umani ito ng mga batikos sa social media.

Kaugnay nito, umapela si DTI Undersecretary Ruth Castelo ng pang-unawa mula sa publiko, at sinabing ito ay “sincere effort” ng departamento.

Ayon kay Castelo, naglalabas ang departamento ng Noche Buena price guide kada taon para matulungan ang mga consumers sa kanilang pagpipiliang produkto para sa Christmas season.

Sinabi rin nito, na inabisuhan din sila ng mga manufacturers ng Noche Buena products kung kailan sila magtataas ng mga presyo.

Dagdag ng DTI official, na inilabas nila ang price guide, sa akala umano nilang matutuwa ang mga consumers na may mga murang produkto na available para sa Noche Buena.

Matatandaan na sinabi ng ahensya na ang P500 ay maaring sapat na para sa pamilya na mayroong limang miyembro para sa panghanda ng Noche Buena. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *